the cry of a leader, the cry of an ATE...
- Heartspeaks
- Sep 21, 2020
- 2 min read
August 16, 2020
11:07 pm
Tonight, my heart is heavy. Parang nadudurog yung puso ko pero wala akong magawa. Seeing your youth slowly being swallowed and swayed by the things of this world makes me feel so undeserving of being called a leader. Nakakadurog na malaman ang lahat ng mga actions ng mga kabataan ngayon. Nakakadurog malaman na yung pangarap na meron ka para sa kanila ay unti unti ng gumuguho. Hindi ko maiwasang isipin at magtanong sa Lord kung bakit ganun? Bakit pinili nila ang mga iyon? Bakit ayaw nilang mapagsabihan? Bakit mas minahal nila ang mundo at ang mga bagay dito? Kailangan pa bang madapa at masaktan muna sila para matauhan at magising sa katotohanan na ang tunay na kasiyahan ay sa Diyos lamang matatagpuan?
More than just being a leader to them, I gave my all to be their ATE. At bilang ate, lagi kong hinihiling na sana matuto sila para di na kailangang masaktan pa. Kasi masakit sa akin na makita silang nasasaktan at nahihirapan dahil sa mga consequences ng mga actions at choices nila. Kung pwede lang pigilin ko lahat ng yun. Kung pwede lang saluhin lahat. Kung pwede lang diktahan sila kung ano ang gagawin at pipiliin nila. Kaso hindi ganun 'yun. May sarili silang isip at puso. Isa sa pinakamasakit bilang ATE ay yung makita silang magsuffer sa consequences ng actions nila dahil wala akong magawa.
Pero narealize ko din na minsan kailangan nalang nating tanggapin na baka nga kailangan nila yun para bumalik muli kay Lord. Siguro, God will use those pains to get their attention. I just need to accept na I cannot change them, only God can do it. Their actions and choices is beyond my control. All I can do is to love them and let them be. All I can do is to hold them tight in my prayers. And when they come back, walang halong panghuhusga, yayakapin ko muli sila, katulad ng pagyakap sa akin ng Lord. Sisiguraduhing sa yakap na iyon ay dama nila ang totoong kahulugan ng mga salitang "welcome home."

Comments