Handa na, nga ba?
- Heartspeaks
- Mar 6, 2020
- 1 min read

Gaano pa katagal ang paghihintay?
Minsan, ako’y nakatingin sa kawalan.
Malayo, pero malabo na rin nga ba?
Malabo na ba ang tayo?
Malabo na ba ang habang-buhay kasama ka?
Ikaw ang laman ng panalangin
Sa bawat pagkakataon pikit matang nakatingala
Langhap ang simoy ng hangin sa kislap ng mga tala
Parating ka na ba?
O baka mas tamang tanungin, Handa ka na ba?
Sa habang buhay na ating pagsasaluhan
Sa bawat luha at saya na iyong matutunghayan
Sa aking kalakasan at sa kahinaan
Mahal ko, handa na ako.
Handa na ako sa pagdating mo
Ang puso ko ay nasasabik sa kung ano nga ba ang iyong mukha
Ang aking ngiti ay abot langit na sa sagot sa panalangin kong parating na
Mahal ko, panalangin ko ding ika’y maging handa na.
Ngunit kung ang sagot Niya na
unang nagmahal sa akin ay hindi muna
Handa parin akong hintayin ka
Hanggat Siya na ang nagtakda ng pagkakataon, oras at panahon
Na tayong dalawa’y magkita na.
Comments